Ayon sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa ibabaw ng karagatan ng Sulu o sa layong 145 kilometro Hilaga-Hilagang Kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Dahil sa paglakas ng bagyo ay may mga lugar na muling naisailalim sa storm warning signal number 2.
Nasa ilalim ng signal number 2 ang mga sumusunod na lugar na pawang nasa Southern Palawan:
– Brookes Point
– Rizal
– Bataraza
– at Balabac
Nakataas naman sa signal number 1 ang ilan pang lugar sa Southern Palawan kabilang ang:
– Puerto Princesa City
– Aborlan
– Narra
– Quezon
– at Sofronio Española
Habang kasama rin ang ilan pang bahagi ng Mindanao sa signal number 1 kabilang ang:
– Zamboanga del Norte
– Zamboanga del Sur
– at Zamboanga Sibugay
Inaasahan ang kalat-kalat at may bahagya hanggang malakas na pag-uulan sa Palawan at Zamboanga Peninsula.
Ayon sa PAGASA, kung magpapatuloy ang direksyon at bilis ng bagyo ay lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng hapon.