Sa 11:00 pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Vinta sa 115 kilometers North ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 60 kilometers per hour at pagbugso na 90 kilometers per hour.
Inaasahang patuloy nitong tatahakin ang kanlurang direksyon sa bilis na 20 kilometers per hour.
Nakataas naman ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Southern Palawan, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
Bagaman humina ito, sinabi ng PAGASA na maari itong lumakas muli oras na bagtasin nito ang Sulu Sea.
MOST READ
LATEST STORIES