Bagyong Vinta, lalo pang humina

By Mark Makalalad December 22, 2017 - 09:53 PM

Lalo pang humina ang bagyong ‘Vinta’ habang binabagtas ang Western Mindanao.

Sa PAGASA bulletin, huling namataan ang bagyo sa bahagi ng Naga, Zamboanga Sibugay.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong pakanluran.
Samantala, dahil sa patuloy na paghina na ng bagyo, inalis na ang signal number 2 sa ilang lugar.

Gayunman, nakataas pa rin ang tropical cyclone signal warning no. 1 sa:

Southern Palawan
Southern Negros Oriental
Siquijor
Lanao Del Norte
Misamis Occidental
Zamboanga Del Norte
Zamboanga Del Sur
Zamboanga Sibugay

Pinayuhan pa rin ng pagasa ang mga residente sa mga mabababang lugar na kaagad na lumikas dahil malaki ang posibilidad na magdulot ang bagyo ng mga pagbaha at landslides.

Excerpt: Humina pa ang Bagyong Vinta na ngayon ay nanatili sa Mindanao.

TAGS: Bagyo, Bagyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.