Ayon sa isang analyst, lumabas na “statistically tied” ang tatlong presidentiables.
Ito ay kung pagbabasehan ang mga pinili ng 96% sa 1,200 na respondents ng nasabing survey na isinagawa noong September 2 hanggang 5 sa buong bansa, na napatunayang mga rehistradong botante.
Sa mga nasabing bilang ng mga rehistradong botante, 26% sa kanila ay bumoto kay Poe, samantalang 24% ang pumili naman kay Binay at 20% lamang ang pumili kay Roxas.
Sumunod sa tatlo ay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakalap ng 11% na boto, Senator Bongbong Marcos at Sen. Chiz Escudero na parehong may 4%, dating Pangulo Joseph Estrada na may 3%, Sen. Miriam Defensor-Santiago na may 2% at Sen. Manuel Villar na may 1%.
Samantala, nakakuha ng 0.8% sina dating Sen. Panfilo Lacson, Sen. Alan Cayetano at Sen. Loren Legarda.