Malakanyang, umaasa na tatalima ang CPP-NPA sa idineklara nitong unilateral ceasefire

By Len Montaño December 22, 2017 - 09:33 PM

Inaasahan ng Malakanyang na susunod ang Communist Party of the Philippines sa deklarasyon nito ng unilateral ceasefire.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, welcome sa palasyo ang deklarasyon ng rebeldeng komunista na unilateral ceasefire bilang obserbasyon ng Pasko.

Kaya aniya nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Suspension of Offensive Military Pperations o SOMO laban sa NPA ay dahil gusto nitong maramdaman ng mga Pilipino na ligtas sila ngayong holiday season.

Inaasahan aniya ng pamahalaan na tutuparin ng ang tigil putukan para sa totoong tahimin na Christmas celebration.

Tiniyak naman ni Roque sa publiko na nananatiling alerto ang gobyerno sa gitna ng deklarasyon ng ceasefire.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.