Inmate patay, 13 sugatan sa pagbagsak ng kisame sa Butuan City Jail

Patay ang isang inmate at 13 iba pa ang sugatan matapos bumagsak ang bahagi ng kisame sa Butuan City Jail, Biyernes ng umaga.

Dahil sa malakas na hangin at malakas na ulan ay bumigay ang kisame ng Bureau of Jail Management and Penology Facility at bumagsak sa mga inmates.

Unang rumesponde ang Philippine Red Cross volunteers at kinumpirma nila ang pagkasawi ng isang preso.

Ang mga sugatan ay dinala sa Butuan City Medical Center habang ang iba pang inmates ay sumailalim sa psycho-social debriefing.

Samantala, walang inilabas na pahayag ang BJMP ukol sa insidente at sa pagka-kilanlan ng namatay na inmate.

 

 

Read more...