Libo-libong residente sa CDO, inilikas dahil sa mataas na baha

By Cyrille Cupino December 22, 2017 - 12:43 PM

Photo courtesy of CDO Facebook page

Libo-libong mga residente mula sa Cagayan de Oro City ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers dahil sa mataas na pagbaha dala ng bagyong ‘Vinta’.

Ayon kay Maricel Rivera, Information Office Head ng Cagayan de Oro, kritikal na ngayon ang level ng tubig sa Cagayan de Oro river, at posible itong umapaw kung magpapatuloy pa ang malakas na pag-ulan.

Sa huling tala ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro, aabot na sa 2,892 na indibidwal ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers.

Kinailangan umanong lumikas ng mga tao dahil sa mabilis na tumaas ang tubig baha sa ilang mga barangay.

Ilang mga kalsada na rin umano ang hindi madaanan dahil sa mataas na tubig.

Ayon pa kay Rivera, ilang mga residente rin ang nasa rooftop na ng kanilang mga bahay habang naghihintay ng rescue teams.

Paliwanag ni Rivera, inaasahan nilang bababa rin kaagad ang tubig makalipas ang ilang oras.

Patuloy naman umano ang kanilang rescue operations upang ilikas pa ang mga residenteng binaha ang mga kabahayan.

 

Panoorin ang video mula sa Facebook page ng Cagayan de Oro City Philippines:

 

TAGS: Cagayan De Oro City, vinta, Cagayan De Oro City, vinta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.