Tumatawid na ang bagyong ‘Vinta’ sa bahagi ng Compostela Valley.
Ayon sa pinakahuling ulat mula sa PAGASA, namataan ang bagyo sa Laak, Compostela Valley.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 155 kilometers per hour.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa 15 lugar, kabilang ang mga sumusunod:
Katimugang bahagi ng Surigao del Sur
Hilagang bahagi ng Davao Oriental
Agusan Del Sur
Compostela Valley
Davao Del Norte
Hilagang bahagi ng Davao del Sur
North Cotabato
Misamis Oriental
Bukidnon
Lanao del Norte
Lanao del Sur
Misamis Occidental
Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur
at Zamboanga Sibugay
Signal Number 1 naman ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:
Southern Leyte
Bohol
Southern Cebu
Negros Oriental
Southern Negros Occidental
Siquijor
Dinagat Island
Surigao Del Norte
Natitirang bahagi ng Surigao Del Sur
Agusan del Norte
Camiguin
Natitirang bahagi ng Davao Oriental
Nalalabing bahagi ng Davao del Sur
Maguindanao
Sultan Kudarat
Basilan