MMDA, handa na sa inaasahang matinding traffic ngayong araw

 

Nakahanda na ang buong pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa inaasahang matinding trapiko ngayong araw ng Biyernes, December 22.

Matatandaang ibinabala ng traffic mobile application na ‘Waze’ ang posibilidad ng ‘Carmaggedon’ sa Metro Manila ngayong weekend.

Ayon sa MMDA, inaasahan nila ang higit-kumulang 402,000 mga sasakya sa EDSA o 13 porsyentong mas mataas kaysa sa naitalang bilang sa kaparehong araw noong 2016.

Nagdeploy na ang ahensya ng karagdagang mga traffic enforcers sa kahabaan ng EDSA at mga bus terminals partikular sa Pasay at Cubao upang magmando ng trapiko.

Istriktong ipinatupad ang ‘no holiday, no day off, no absent policy’ sa mga nakatalagang traffic endorsers na ito sa kalakhang Maynila.

Hinimok ni MMDA Spokesperson Celine Pialago ang mga motorista na iwasan muna ang EDSA at humanap ng mga alternatibong traffic.

Ayon kay Pialago, masisiguro niya sa publiko ang magiging presensya ng mga tauhan ng MMDA ngunit hindi nila matitiyak kung magiging maayos ba ang daloy ng trapiko.

Tuloy-tuloy at mahigpit na ipapatupad ang mga polisiya tulad ng ‘nose in nose out’ at high occupancy policy (HOV) lane policies.

Titiyakin din ng MMDA na walang mga sagabal o nakahambalang sa mga binuong Mabuhay Lanes na magsisilbing alternate routes ng mga motorista.

 

Read more...