Ayon kay CPP founder Jose Maria Sison, sa tingin niya ay magkakaroon ng unilateral ceasefire order mula sa CPP at New People’s Army (NPA).
Bukod sa pagdiriwang ng Pasko, ilalabas ang nasabing kautusan para na rin sa pagdiriwang nila ng kanilang 49th founding anniversary sa December 26.
Inirekomenda na rin ani Sison ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang nasabing ceasefire order.
Sa ngayon, ipinoproseso na aniya ng Central Committe ng CPP ang draft nito.
Matatandaang una nang nagpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng unilateral ceasefire laban sa mga rebelde mula alas-6:00 ng gabi ng December 23 hanggang alas-6:00 ng gabi ng December 26.
Ilang araw naman itong mawawala subalit manunumbalik din pagsapit ng alas-6:00 ng gabi ng December 30 hanggang alas-6:00 ng gabi ng January 2.