Bagyong “Vinta,” malapit nang mag-landfall sa Surigao del Sur

 

Isa nang ganap na Severe Tropical Storm ang “Vinta” at inaasahang tatama na ito sa kalupaan ng Surigao del Sur ngayong hatinggabi.

Batay sa 11:00 pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Vinta sa 85 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugso na 125 kilometers per hour.

Inaasahang patuloy nitong tatahakin ang kanlurang direksyon sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa:

Siquijor,
Southern Negros Oriental,
Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands,
Surigao del Sur,
Agusan del Norte,
Agusan del Sur,
Northern Davao Oriental,
Compostela Valley,
Davao del Norte,
Camiguin,
Bukidnon,
Misamis Oriental,
Lanao del Norte,
Lanao del Sur,
Misamis Occidental,
Eastern Zamboanga del Norte at
Eastern Zamboanga del Sur.

Signal number 1 naman ang nakataas sa:

Southern Leyte,
Southern portion ng Leyte,
Bohol,
Southern Cebu,
rest of Negros Oriental,
southern Negros Occidental,
Dinagat Island,
nalalabing bahagi ng Davao Oriental,
Davao del Sur,
North Cotabato,
Maguindanao,
nalalabi pang bahagi ng Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur, pati na rin sa Zamboanga Sibugay.

Asahan namang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Lanao del Sur, Maguindanao at North Cotabato sa susunod na 24 oras.

Dahil dito nagpaalala ang PAGASA sa mga residente ng mga naturang lugar na maging maingat at gawin ang nararapat sa oras ng pagbabaha at pagguho ng lupa.

Read more...