Mga kaanak pinayagang makasama ni De Lima sa Pasko at Bagong Taon
Pinayagan ng Philippine National Police (PNP) si Sen. Leila De Lima na mabisita ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa kanyang detention cell sa Camp Crame.
Sa impormasyon mula sa opisina ng senadora, pinayagang mabisita ng kamag-anak si De Lima sa bisperas ng Pasko, December 24 hanggang ala-una ng madaling araw sa December 25 at sa December 31 hanggang ala una ng madaling araw ng January 1, 2018.
Maari itong palawigin nang hanggang alas-singko ng hapon sa unang araw ng 2018 ayon pa sa pahayag mula sa tanggapan ni De Lima.
Hanggang ngayon ay nakakulong sa PNP Custodial Center ang nasabing mambabatas makaraan siyang masangkot sa drug trafficking sa loob ng New Bilibid Prisons.
Nauna na ring nagreklamo si De Lima dahil sa umano’y napakahigpit na panuntunan ng PNP partikular na sa kanyang mga bisita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.