Doris Bigornia sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Shaw Blvd. tunnel

By Den Macaranas December 21, 2017 - 02:56 PM

Inquirer photo

Nagkarambola ang ilang mga sasakyan sa Shaw Boulevard underpass sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong City pasado alas-dos ng hapon kanina.

Sa paunang impormasyon sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Supervising Operations Manager Bong Nebrija na naganap ang multiple collision sa Northbound lane ng ng nasabing tunnel.

Kabilang sa mga nasangkot sa aksidente ay ang sasakyan ng ABS-CBN kung saan nasugatan ang mamamahayag na si Doris Bigornia at ang kanyang driver samantalang nasaktan rin ang kanilang cameraman.

Sinabi ni Nebrija na magkakasama sila sa isang convoy ng grupo ni Bigornia papunta sa Cubao nang maganap ang aksidente.

Tumagilid naman sa lakas ng banggaan ang isang kulay itim na Mitsubishi Montero kung saan ay sinasabing nagsuka pa ang babaeng driver nito na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Sangkot rin sa aksidente ang ilan pang mga kotse at motorsiklo.

Sinabi naman ni Nebrija na bagaman maraming mga sugatan ay wala namang namatay sa aksidente.

Pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko ang Northbound lane ng Shaw Boulevard tunnerl samantalang halos hindi na gumagalaw ang daloy ng trapiko sa kabilang linya nito.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na umiwas muna sa nasabing lugar dahil kakailanganin pa itong imbestigahan ng mga otoridad bago alisin ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente.

TAGS: edsa, Mandaluyong, mmda, nebrija, Shaw, edsa, Mandaluyong, mmda, nebrija, Shaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.