Mga bus na biyaheng Bohol at Dumaguete, binawalan nang bumiyahe ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2017 - 12:59 PM

CDN Photo | Junjie Mendoza

Dahil sa pananalasa ng tropical storm Vinta, pinagbawalan muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-alis sa terminal ng mga bus na biyaheng Bohol at Dumaguete.

Sa abiso ng LTFRB, wala nang bus na patungo sa mga nabanggit na lalawigan ang papayagang umalis.

Tanging ang mga bus na biyaheng Samar at Leyte lamang ang pinapayagan na makaalis sa ngayon.

Nakipag-ugnayan na rin ang LTFRB sa pamunuan ng bus company na Silver Star na nauna nang nakaalis ng terminal Huwebes ng umaga patungong Bohol.

Sa halip na tumuloy, inatasan ng LTFRB ang nasabing bus na manatili muna sa terminal nito sa Laguna sa halip na dumeretso sa Matnog, Sorsogon.

Samantala, marami nang stranded na pasahero sa mga pantalan sa Cebu.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bohol, cebu ports, stranded passengers, Tropical storm, vinta, Bohol, cebu ports, stranded passengers, Tropical storm, vinta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.