Number coding sa mga provincial bus, sinuspinde ng MMDA sa Dec. 22 at Dec. 26
Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding para sa mga provincial bus sa December 22, araw ng Biyernes at December 26 araw ng Martes.
Ito ay upang matiyak na sasapat ang mga pampasaherong bus na bibiyahe sa mga lalawigan sa nasabing mga petsa.
Inaasahan kasi ang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan bukas, araw ng Biyernes.
Habang sa Martes naman, December 26, posibleng dumagsa ang mga pasaherong luluwas ng Metro Manila matapos ipagdiwang ang Pasko sa mga lalawigan.
Nilinaw naman ng MMDA na ang suspensyon ng number coding ay para lamang sa provincial buses.
Iiral pa rin ang coding sa mga pribadong sasakyan at iba pang pampublikong sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.