Bagyong Vinta napanatili ang lakas, storm warning signals nakataas sa mahigit 20 lalawigan
Napanatili ng tropical storm Vinta ang lakas nito habang patungo sa direksyon ng Eastern Mindanao.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa 440 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 18 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Dahil sa banta ng nasabing bagyo, itinaas na ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL #2:
- Surigao del Norte including Siargao Islands
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Northern Davao Oriental
SIGNAL #1:
- Southern Leyte
- Southern portion of Leyte
- Southern Cebu
- Siquijor
- Bohol
- Dinagat Island
- Camiguin
- Misamis Oriental
- Misamis Occidental
- Bukidnon
- Lanao del Norte
- Lanao del Sur
- North Cotabato
- Maguindanao
- Rest of Davao Oriental
- Northern Davao del Sur
- Compostela Valley
- Davao del Norte
- Zamboanga del Sur
Ang mga residente sa mga rehiyon ng Central at Eastern Visayas, Caraga, Davao at Northern Mindanao ay pinaghahanda sa posibleng flashfloods at landslides.
Sa susunod na weather bulletin, sinabi ng PAGASA na sasakupin na rin ng public storm warning signal number 1 ang Zamboanga del norte, Zamboanga Sibugay, Southern part ng Negros Oriental at Negros Occidental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.