DND, nagtakda na ng petsa para sa ipatutupad na unilateral ceasefire sa NPA
Itinakda na ng Department of National Defense (DND) ang oras at petsa para sa ipatutupad na unilateral ceasefire sa CPP/NPA ngayong holiday season.
Ito ay makaraang magdeklara ng holiday ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules.
Ayon kay DND spokesperson Dir. Arsenio Andolong, magsisimula ang ceasfire ng Armed Forces of the Philippines (AFP) 6:00 ng gabi ng December 23 hanggang 6:00 ng gabi ng December 26. At 6:00 ng gabo ng December 30 hanggang 6:00 ng gabi ng January 2.
Una nang inaunsyo ni Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire sa CPP/NPA hanggang Jan. 2, 2018.
Sinabi rin ng Malakanyang na umaasa ang pangulo na magdedeklara din ng ceasefire sa kanilang hanay ang komunistang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.