Sen. Escudero, hindi papalit kay Sen. Poe, sakaling ma-disqualify ito sa 2016 elections

 

Inquirer file photo

Walang balak si Senador Francis Escudero na humalili kay Senador Grace Poe sakaling ma-disqualify itong tumakbo bilang pangulo bansa sa 2016 elections.

Kumpiyansa si Escudero na papabor kay Poe ang magiging desisyon ng Senate Electoral Tribunal kaugnay sa quo warranto petition na inihain ng talunang senatorial candidate na si Rizalito David.

Paliwanag ni Escudero, hindi legal sa Election Code sa bansa na maaring mag-substitute sa pagiging Presidential candidate ang isang kandidato na nakapaghain na ng kandidatura sa pagka-Bise Presdiente.

Tiwala si Escudero na malalampasan ni Poe ang disqualification case laban sa kanya sa SET kaya’t hindi aniya mangyayari ang mga spekulasyon na posibleng tumakbo siyang mag-isa sa 2016 elections.

Iginiit pa ni Escudero na isang natural born Filipino si Poe kontra sa naging opinyon ni SET chairman, associate justice Antonio Carpio na naturalized Filipino citizen ang senadora.

Read more...