Timing ng ulat ng Reuters kaugnay sa “Davao Boys”, kinuwestyon ni PNP Chief Dela Rosa

Kinwestyon ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa ang panahon ng paglabas ng ulat ng Reuters ukol sa umano’y “Davao Boys.”

Sa isang panayam, ipinahayag ni Dela Rosa na lumabas ang ulat kasabay ng pagbabalik ng PNP sa giyera kontra droga.

Sinabi ni Dela Rosa na sa tuwing magkakaroon na hakbang ang gobyerno ukol sa naturang kampanya, lagi umanong may nakaabang na usapin.

Dagdag ng hepe, ang Quezon City Police District Station 6 ang may pinakamalalang suliranin sa iligal na droga.

Aniya, ito ang dahilan kaya niya personal na nagpatulong kay Supt. Lito Patay, at pangunahan ang “Davao Boys”.

Sa ulat nito, binansagan ng Reuters ang QCPD Station 6 bilang “deadliest police station” sa giyera kontra droga.

Mayroon umanong binuong anti-drug unit ang stasyon na tinawag na “Davao Boys,” sa pangunguna ng hepe ng stasyon na si Patay.

 

 

 

 

Read more...