Idineklarang holiday ceasefire ni Pangulong Duterte, posibleng pagkukunwari lang – Sison
Tinawag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na pagkukunwari lang ang deklarasyong unilateral ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA).
Sa panayam, sinabi ni Sison na malamang ay bahagi lang ng pagkukunwari ang SOMO o suspension of offensive military operations.
Dahil dito, sinabi ni Sison na hindi magpapakampante ang kanilang hanay.
Mananatili aniya silang alerto laban sa mga panlilinlang at pagsalakay ng pwersa ng pamahalaan.
Ani Sison, kung totoong walang pag-atake na gagawin ang PNP at AFP ay hindi naman din gagawa ng pananambang ang NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.