Bagyong Vinta, napanatili ang lakas; signal number 2 itinaas sa apat na lalawigan

Napanatili ng tropical storm Vinta ang lakas nito habang patungo sa direksyon ng Eastern Mindanao.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa 440 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 18 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Dahil sa banta ng nasabing bagyo, itinaas na ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:

SIGNAL #2:

SIGNAL #1:

Tatama ang bagyo sa kalupaan ng Caraga o Davao Region mamayang gabi o ‘di kaya ay bukas.

Posible ring sa mga susunod na oras ay magtaas na ng public storm warning signal sa Southern Cebu, Siquijor, at Misamis Occidental.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...