MRT, nagka-aberya, 1,000 pasahero ang pinababa

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2017 - 08:19 AM

Maagang nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa abiso ng MRT-3, pinababa ang mga pasahero sa GMA-Kamuning station southbound alas 6:10 ng umaga dahil sa naranasang technical problem ng isa sa mga tren.

Nasa 1,000 pasahero ang naapektuhan ng insidente at kinailangang pababain sa tren na nagkaroon ng electrical failure.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ang naranasang electrical failure ay dahil sa
“worn out electrical subcomponents” ng tren.

Dahil sa panibagong aberya, umabot na sa 22 ang naitatalang aberya sa MRT-3 ngayong buwan ng Disyembre.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 1000 passengers unloaded, MRT, technical problem, 1000 passengers unloaded, MRT, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.