Iran, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang capitan ng Iran na Tehran.

Pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na manatiling kalmado matapos maramdaman ang malakas na pagyanig.

Naitala ang epicenter ng lindol sa Alborz Province na ang layo ay 50 kilometers west mula sa Tehran.

Ayon kay Morteza Salimi, pinuno ng Relief and Rescue Organization ng Red Crescent ng Iran, pinaghahanda nila ang mga residente sa posibleng aftershocks na maidulot ng lindol.

Naramdaman din ang pagyanig sa mga lungsod ng Karaj, Qom, Qazvin at Arak.

Noong nakaraang buwan lamang ay niyanig ng 7.3 magnitude ang Kermanshah province sa Iran kung saan 620 ang nasawi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...