28 sundalo tumanggap ng pagkilala mula sa pangulo
Tumanggap ng pagkilala mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 28 sundalo kasabay ng ika-82 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo.
Ginawaran ng Pangulo ng pinaka-mataas na parangal na Medal of Valor at Lapu-Lapu Magalong Medal ang yumaong si Capt. Rommel Sandoval, ang commanding officer ng 11th Scout Ranger na lumaban sa Marawi siege.
Ibinuwis ni Sandoval ang kanyang buhay, upang iligtas ang kasamahang sundalo na nasugatan sa giyera.
Tinanggap ng asawa ng yumaong sundalo na si Maria Ana ang parangal. Samantala, ginawaran ng Order of Lapu-Lapu, Kampilan Medal ang 23 sundalo na nasugatan sa bakbakan sa natapos na giyera sa Marawi City.
Ang mga pinarangalang sundalo ay sina:
Lt. Commander Ramon Flores
1LT. Paul Albert Ematong
1LT. Jerwin Valencia
1Lt June Steve Puno
1Lt Jeffrey Odmen
Sgt Elmer Dagohoy
Sgt Reymund Pocua
Cpl. Leoprado Pendon
Cpl. Erven Dacumos
Cpl Nestor Sombrero
Cpl Ivan Lirazan
Cpl Eden Baul
Cpl Jerome Benavente
Cpl Eduardo Villanueva Jr.
Cpl Bryan Harris Naelgas
Pfc Genesis Pancho
Pfc Francis Fabros
Pfc Albert Layco
Pfc Reynaldo Ugali Jr.
Pfc Sunmar Bactol
Pfc Renie Abbang
Pvt Marl Clifford Caabay
Pvt Jhosel Servando.
Binigyan rin ng Order of Lapu-Lapu Kampilan Medal si Major Engelberto Nioda Jr. na nasugatan habang nakikipagbakbakan sa mga komunistang grupo sa Nasugbu, Batangas.
Tumanggap naman ng Order of Lapu-Lapu Kamagi Medal naman ang tinanggap ni Sgt Edwin Osario para sa kanyang ipinakitang tapang sa pakikipaglaban sa mga teroristang Maute group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.