Isang masugid na supporter ng New People’s Army ang inarestong opisyal ng Moises Padilla, Negros Occidental na si Vice Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo.
Ito ang ginawang kumpirmasyon ng hepe ng pulisya sa nasabing bayan na si Chief Inspector Allan Reloi.
Nahuli ng mga tauhan ng PNP si Yulo sa isang checkpoint kasama ang kanyang mister na si Feliz Mathias-Yulo habang sakay ng isang pick-up truck na pag-aari ng kanilang munisipyo.
Nakuha sa mag-asawa ang apat na Cal. 45 na baril na pawang mga walang lisensya, mga bala, dalawang granada, P45,000 cash at dalawang sachet ng shabu.
Sinabi rin ni Reloi na kilalang rebel-infested area ang kanilang lugar sa Negros Occidental.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mag-asawang suspek.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng opisyal na tinaniman lamang sila ng ebidensya ng mga pulis at isa umanong uri ng political harassment ang ginawa sa kanila.