5 BIFF members patay sa airstrike ng militar sa Cotabato
Patay ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) makaraan ang isinagawang airstrike ng militar sa kanilang kampo sa Carmen, Cotabato kaninang umaga.
Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Philippine Army 6th Infantry Division Spokesman Capt. Arvin Encinas na ginawa ang pagsalakay sa kampo ng BIFF sa Sitio Misalan, Brgy. Tonganon pasado alas-dos ng madaling-araw.
Isinagawa umano ang airstrike makaraang masugatan ang limang tauhan ng militar sa ambush na ginawa ng mga terorista.
Dalawa sa mga namatay na BIFF members ay kaagad na inilibing ayon na rin sa Islam tradition samantalang ang tatlong iba pa ay kinuha naman ng kanilang mga kaanak.
Hindi naman makumpirma ng militar kung kasama ba sa mga napatay ang lider ng BIFF na si Esmael Abdulmalik, alias Commander Toraife.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.