Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Development Academy of the Philippines President Atty. Elba Siscar Cruz.
Base sa liham na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang December 18, 2017, pinagsabihan nito na pinahihinto na ni Pangulong Duterte ang kanyang hold-over capacity.
Si Cruz ay itinalaga noong March 14, 2017 at nagtapos noong June 30, 2017.
Dahil sa expired na ang hold-over capacity ni Cruz, nagpasya ang pangulo na hindi na ito palawigin pa.
Para masigurong hindi maantala ang pagbibigay serbisyo publiko, inaatasan din si Cruz na iturn-over ang mga official documents, papeles at properties na pag aari ng DAP.
Una rito, inireklamo ng mga empleyado ng DAP si Cruz dahil sa isyu ng korupsyon at mismanagement.
Ikinatuwa naman ng mga empleyado ang pagsibak ng pangulo kay Cruz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.