Vice Mayor sa Lanao Del Sur pinasisibak sa pwesto ng Ombudsman

By Rohanisa Abbas December 20, 2017 - 12:02 PM

Pinasisibak sa pwesto ng Office of the Ombudsman ang vice mayor ng Bacolod-Kalawi, Lanao Del Sur.

Hinatulang guilty si Vice Mayor Diarangan Dipatuan sa grave misconduct sa hindi pag-remit ng Government Servuice Insurance System (GSIS) contributions ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan noong 2015.

Maliban kay Dipatuan, pinadi-dismiss din sa serbisyo sa gobyerno ang noo’y treasurer na si Rasad Dumarpa.

Pinatawan sina Dipatuan at Dumarpa ng mga parusang pagkansela ng eligibility, forfeiture ng retirement benefits at hperpetual o habambuhay na diskwalipikasyong magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

Ayon sa Ombudsman, noong December 2015, kinuha ng complainant na si Habib Tarosan ang record ng kanyang contributions sa opisina ng GSIS.

Batay rito, kulang ang monthly salary ni Tarosan na idineklara ng dalawang opisyal na mahigit P14,000 sa halip na mahigit P20,000.

Nagbunga ito sa mas mababang monthly premium sa GSIS contribution mula January hanggang December 2012.

Iginiit ng Ombudsman na sina Diarangan at Dumarpa ang responsable sa hindi na-remit na contributions.

Samantala, inatasan na ng Ombudsman ang Commission on Audit na imbestigahan ang insidente.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bacolod-Kalawi, GSIS Contribution, Lanao Del Sur, Office of the Ombudsman, Vice Mayor Diarangan Dipatuan, Bacolod-Kalawi, GSIS Contribution, Lanao Del Sur, Office of the Ombudsman, Vice Mayor Diarangan Dipatuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.