LTFRB, nanawagan sa Uber at Grab na manatiling online ngayong holiday season
Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver ng transport network companies (TNCs) gaya ng Grab at Uber na maging online.
Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada, kinakailangan sila ng publiko lalo na ngayong holiday season.
Pakiusap niya, makipagtulungan sa ahensya ngayong kinakailangan ng mas maraming suplay ng sasakyan.
Dagdag ni Lizada, patuloy nilang binabantayan ang mga reklamo laba sa Grab at Uber sa social media.
Samantala, pinaigting din ng LTFRB ang Oplan Isnabero na kampanya laban sa pasaway na taxi drivers, gaya ng namimili ng pasahero o nangongontrata ng pamasahe.
Ayon kay Lizada, nakipagtulungan sa volunteer groups gaya ng React Philippines at Task Force Crusaders kaugnay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.