Wala nang bagong henerasyon na mamumuno sa NPA-Duterte

By Chona Yu December 20, 2017 - 08:20 AM

Wala nang bagong henerasyon ang New People’s Army (NPA) na mamumuno sa teroristang grupo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, iba na kasi ang kalidad ng liderato ngayon ng NPA.

Sinabi pa ng pangulo na pawang bandido na lamang ngayon ang NPA na pakalat-kalat sa Davao at sa iba pang bahagi ng bansa.

Nangako rin ang pangulo na hindi na niya sasantuhin ang NPA at magiging marahas na siya sa rebeldeng grupo.

Ikinadismaya ng pangulo ang ginagawang panggagahasa ng NPA, pambabastos at panghihipo sa mga babae maging sa mga buntis.

Tinawag niyang “mga walang-hiya” ang NPA at wala na ring disiplina.

 

 

 

 

 

 

TAGS: new people's army, Rodrigo Duterte, new people's army, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.