Pangulong Duterte, dumalaw sa burol ng pulis na nasawi sa engkwentro sa isang drug suspek

By Justinne Punsalang December 20, 2017 - 07:51 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dinalaw nina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa ang burol ng yumaong si PO3 Wilfredo Gueta.

Si Gueta ang pulis na namatay matapos makaengkwentro ang isang kilalang drug suspect sa Pasig City noong Lunes ng tanghali.

Ginawaran ni Dela Rosa si Gueta ng posthumous Medal of Merit o Medalya ng Kagalingan.

Bukod pa ito sa ibang tulong para sa pamilya Gueta.

Maging si PO1 Raymond Dela Cruz na kasama ni Gueta at siyang nakapatay sa drug suspect ay ginawaran din ng parangal at binigyan ng bagong baril.

Sa panayam kay Pangulong Duterte matapos ang pagbisita nito sa nasawing pulis ay inulit nito ang kanyang matinding galit sa mga drug suspects.

Muling binantaan ng pangulo ang mga tulak at gumagamit ng iligal na droga na uubusin niya ang mga ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Medal of Merit, Rodrigo Duterte, Wilfredo Gueta, Medal of Merit, Rodrigo Duterte, Wilfredo Gueta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.