Lalaki arestado makaraang nahulihan ng sumpak sa Tondo Maynila

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mahulian ng improvised shotgun o sumpak sa Moriones cor Buco St. Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si Ramil Tanada, 30, isang pedicab driver.

Ayon kay PO2 Derlindo Serrano ng Manila Police District Station 1, nagsasagawa ng anti-criminality operations ang kanilang nang matyempuhan ang lalaki na may hawak ng sumpak.

Nang mamataan na may magaganap na hulihan, tumakbo ang suspek papalayo na agad naman ding nahabol ng mga mga pulis na naka-posisyon na sa kanto.

Nang ma-corner, payapa namang sumama ang suspek sa mga pulis.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal possession of firearms.

 

 

 

 

 

 

Read more...