Angeles City, Pampanga, nagpatupad ng ban sa mga paputok

By Rhommel Balasbas December 20, 2017 - 04:06 AM

Radyo Inquirer File Photo | Ricky Brozas

Inaprubahan ng Angeles City peace and order council ang total ban sa mga paputok sa kanilang lungsod.

Dahil dito, mahigpit nang ipagbabawal ang pagbebenta at distribusyon ng mga ito sa lungsod,

Ayon sa council, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at upang masiguro na rin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Sinabi ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na hindi na ipoproseso ng siyudad ang anumang business application para sa mga paputok.

Iginiit niya na maaari pa namang ipagdiwang ang Bagong Taon sa pamamagitan ng iba pang pampaingay.

Hihilingin ni Pamintuan sa mga may-ari ng mga hotels at malls na magsagawa ng fireworks display na panunuorin ng mga residente sa kanilang mga tahanan.

Samantala, target ng Department of Health na mapababa sa 50 percent ang mga firecracker-related injuries sa pagsalubong sa taong 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.