Rep. Umali kay Gadon: ‘Wag mo kaming pangunahan

Muling pinayuhan ni House committee on justice chairman Rep. Reynaldo Umali si Atty. Lorenzo Gadon na manahimik na lang muna kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Umali, dapat munang tigilan ni Gadon ang pagbibigay ng kaniyang mga pahayag tungkol sa inihain niyang impeachment complaint laban kay Sereno.

Sa tuwing nagbibigay kasi aniya si Gadon ng mga pahayag, nahihirapan sila sa Kamara at minsan, sila pa ang nababatikos.

Pinagsabihan rin niya ang abogado tungkol sa ginagawa nitong pag-pressure sa kanilang mga mambabatas na maglabas ng subpoena upang mapilitan si Sereno na dumalo sa mga pagdinig.

Giit ni Umali, dapat hayaan lang ni Gadon ang takbo ng impeachment proceedings at bawasan na ang pangingialam dito.

Samantala, magpapatuloy ang pagdinig ng Kamara kaugnay ng impeachment complaint laban kay Sereno sa January 18 ng susunod na taon.

Read more...