Naujan, Oriental Mindoro, isinailalim sa state of calamity

By Kabie Aenlle December 20, 2017 - 04:03 AM

Nagdeklara na ng state of calamity sa bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro dahil sa milyun-milyong halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Urduja sa kanilang agrikultura, paghahayupan at mga palaisdaan.

Inirekomenda ito ng Naujan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa Sangguniang Bayan matapos silang makapagtala ng P1.1 milyong halaga ng pinsala sa fisheries, P115,000 na halaga ng mga napinsalang pasilidad at P1.7 milyong stocks ng warehouse products.

Ayon kay MDRRMC officer Jeory Geroleo, tatlong barangay ang nakapagtala ng kabuuang P200,000 halaga ng napinsalang livestock.

Inisyal pa lamang aniya ang impormasyon na ito, at kasama pa dito ang nasa 4,000 ektarya ng mga pananim na napinsala ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.