DSWD nagbabala sa mga nagbebenta ng relief goods na para sa mga biktima ng kalamidad

By Cyrille Cupino December 20, 2017 - 01:30 AM

FB PHOTO| Biliran Island

Nagbabala ang Deptartment of Social Welfare and Development sa mga nagbebenta ng relief goods na nakalaan para sa mga biktima ng kalamidad.

Ito ang naging tugon ng DSWD sa reports na may relief goods mula sa pamahalaan ang idineliver at ibinebenta sa isang sari-sari store sa Iligan City.

Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, sa ilalim ng batas, maaring kasuhan at pagmultahin ng mula 50 thousand hanggang P500,000 o makulong ng anim hanggang 12 taon ang sinumang mapapatunayang lumabag sa Philippine Disaster Risk Reduction ang Management Act of 2010.

Una nang binalaan ng DSWD ang mga bakwit mula Marawi City na hindi na bibigyan pa ng tulong ng pamahalaan kung mapapatunayang guilty sa pagbebenta ng relief goods na ibinigay sa kanila.

Hinimok rin ni Leyco ang publiko na magsumbong sa DSWD kung may kilalang nagbebenta ng relief goods mula sa pamahalaan.

Nanawagan rin ang DSWD sa publiko na tumulong sa pagbabantay ng mga relief goods na para sa mga biktima ng kalamidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.