DOH sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima ng paputok
Naglaan ng pondo ang Department of Health para sa mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Health Usec. Gerardo Bayugo, sasagutin ng DOH ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mga mabibiktima ng paputok.
Lahat ng mga mabibiktima ng paputok ay maaari nilang gamitin ang kanilang Philhealth para sa kanilang mga bayarin.
Sakali naman aniya na kulangin ang maco-cover ng Philhealth sa bayarin ng pasyente, handa ang DOH na bayaran ang balanse sa halaga ng pagpapagamot.
Sinabi ni Bayugo na pinaiiral ng DOH ang “no balance billing” sa mga ospital.
Kasabay nito, nakiusap ang DOH sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok sa pagsasalubong sa Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.