ACT Partylist: 2018 national budget may pork barrel fund pa rin
Inilahad ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio na may “pork barrel” pa rin para sa mga mambabatas ang P3.8 Trillion na General Appropriation Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi rin ng mambabatas na mahigit sa 20 mga mambabatas ang hindi binigyan ng liderato ng Kamara ng budget bilang pondo sa kani-kanilang mga distrito.
Ipinaliwanag ng kasapi ng Makabayan bloc na mayroong ibinigay na individual allocations ang pamunuan ng Kamara para sa mga hard at soft projects, medical assistance at iba pang pondo para sa mga mambabatas na tagasuporta ng administrasyon.
Sa kanyang panig, sinabi ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles na idineklara ng Supreme Court na iligal ang Pork Barrel kaya hindi ito kasama sa pambansang budget.
Hindi rin umano maituturing na hidden pork ang pondo na inilaan sa mga ahensya ng pamahalaan na magpapatupad sa ilang mga congressional districts dahil ito ay nagkataon lang.
Sinabi rin ng mambabatas na naka-itemized ang bawat proyektong pinaglaanan ng pondo alinsunod sa mga programang isinumite ng iba’t ibang kagawaran ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.