Pinuno ng Philippine Navy inalis sa pwesto

By Cyrille Cupino December 19, 2017 - 03:21 PM

Photo: Philippine Navy

Sinibak sa pwesto bilang Navy Flag Officer in Command si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.

Ang pagsibak kay Mercado ay kasunod ng kontrobersyal na procurement ng Armed Forces of the Philippines ng weapons system na bahagi ng Frigate Acquisition Program ng Philippine Navy.

Si Mercado ay papalitan ni Rear Admiral Robert Empedrad, ang Deputy Chief of Staff for Reserve and Retirees Affairs ng AFP.

Ginanap ang change-of-command ceremony sa Hall of Flags ng AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, na hindi ipina-cover sa mga miyembro ng media.

Wala namang maibigay na paliwanag ang AFP kung bakit inalis sa pwesto si Mercado.

Si Mercado ay nakatakda na rin sanang magretiro sa March 2018.

TAGS: aquisition project, empedrad, philippine navy, ronald mercado, aquisition project, empedrad, philippine navy, ronald mercado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.