Bagong Telco provider sa bansa, agad na pinaaaprubahan ni Duterte para magamit na sa susunod na taon
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magamit na agad sa susunod na taon ang bagong network provider na papasok sa Pilipinas na magmumula sa China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan na ni Pangulong Duterte ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tiyaking gumagana na ang network na ibibigay ng ikatlong telco player sa bansa.
Partikular na ipinag-utos ng pangulo sa NTC at DICT na aprubahan ang lahat ng aplikasyon at lisensya na kailangan ng China telecom sa loob lang ng pitong araw.
Ani Roque, seryoso ang pangulo sa naisin nitong makapagpapasok ng ikatlong telecom player sa bansa para agad mapakinabangan ng publiko.
Nais ng pangulo na sa unang quarter ng taong 2018 ay gumagana na ang bagong network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.