Special permits sa mga bus para sa holiday season, maari nang magamit mula Dec. 21
Pinaaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang validity ng special permits na inaprubahan nito sa bus companies ngayong holiday season.
Sa halip na sa December 23 pa epektibo ang special permits, inurong ito sa December 21.
Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, ito ay dahil sa masamang lagay ng panahon. Aniya, maaari ring mas mapaaga ang pagluwas ng mga pasahero para sa Pasko.
Ipinahayag ni Lizada na inabisuhan sila sa pre-disaster meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na isang panibagong bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa Miyerkules.
Sa 482 applications for special permit para sa 1,143 units, inaprubahan na ng LTFRB ang 262 nito para sa 569 units.
Ang mga bus na ito ay byaheng North Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao.
Mawawalang bisa ang special permit sa January 3, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.