Bagyong Urduja nakalabas na ng bansa; panibagong LPA papasok sa PAR bukas – PAGASA
Nakalabas na ng bansa ang Tropical Depression Urduja na huling namataan ng PAGASA sa 430 kilometers West ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Sa final weather bulletin ng PAGASA para sa nasabing bagyo, 45 kilometers pa rin ang taglay nitong lakas ng hangin at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
West Southwest ang direksyon ng bagyo sa bilis na 18 kilometers bawat oras.
Samantala, isang panibagong sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA na nakatakdang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas araw ng Miyerkules.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa 1,710 kilometers East ng Mindanao.
Posibleng maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at papangalanan itong “Vinta” habang nasa loob ng PAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.