Palasyo, bigo na kumbinsihin ang mga retiradong heneral na suportahan ang BBL

By Alvin Barcelona September 22, 2015 - 05:14 PM

 

Inquirer file photo

Aminado ang Malacañang na hindi nila nakumbinsi ang grupo ng mga retiradong heneral na baguhin ang kanilang pag-kontra sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Communications Secretary Sonny Coloma ang pakikipagpulong kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa grupo na pinangunahan ni dating Defense Secretary Renato de Villa at AGFO o Association of Generals and Flag Officers president Edilberto Adan.

Gayunman, sinabi aniya ng grupo na sa kabuuan ay suportado nila ang pagsusulong ng pamahalaan ng kapayapaan sa Mindanao sa kabila ng kanilang reserbasyon sa mga probisyon ng BBL.

Ayon kay Coloma, nagpasalamat si Pangulong Aquino sa pagtanggap ng grupo sa kanyang imbitasyon at nagpasalamat naman si General Adan sa pagdinig sa kanilang mga punto.

Nabatid na sinamahan si Pangulo sa nasabing pulong nina Justice Secretary Leila de Lima, Presidential Adviser on the Peace Process, Defense Secretary Voltaire Gazmin, AFP Chief of Staff Hernando Irriberi at National Security Adviser Cesar Garcia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.