TRAIN, lalagdaan na bilang ganap na batas ni Pangulong Duterte
Pormal nang pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).
Sa ceremonial signing na gagawin sa Malakanyang mamayang alas 3:00 ng hapon, kasama ring lalagdaan ng pangulo ang 2018 General Appropriations Act.
Sa ilalim ng TRAIN, exempted na sa pagbabayad ng personal income tax ang mga kumikita lang ng P250,000 at pababa kada taon.
Habang ang tax exemption naman para sa 13th month pay at iba pang bonus ay itinaas sa P90,000.
May mga pagbabago din sa ipapataw na buwis sa krudo at sasakyan.
Ang tax reform ay inaasahang makapaghahatid ng P130 billion na dagdag na revenue sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.