Globe, naglagay ng libreng tawag stations sa mg lugar na naapektuhan ng bagyong Urduja

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2017 - 07:56 AM

Photo from Sec. Harry Roque

Mayroong pitong libreng tawag stations ang Globe Telecom sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Urduja.

Sa abiso ng Globe, may mga libreng tawag stations sa Tacloban, Eastern Samar at Aklan para magamit ng mga biktima ng pagbaha.

May ibinibigay ding free WiFi service ang Globe sa Tacloban City.

Matatagpuan ang libreng WiFi service ng Globe sa mga sumusunod na lugar sa Tacloban:

  • Alma Teves, Upper Nula-Tula
  • Cyvon Store, Barangay Calanipawan
  • Manah Store, Sagkahan Bliss sa Barangay 64.

Habang ang libreng tawag stations naman ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar:

Sa Aklan:

  • Globe Store, City Mall sa Boracay Island
  • Boracay Action Center sa Balabag Plaza

Sa Eastern Samar:

  • Docil Building, Barangay Alang-alang, Boronggan
  • Bogalibas Elementary School, Sta. Rita

Bukas ang libreng tawag stations mula 9 a.m. hanggang 5 p.m.

Matapos ang pananalasa ng bagyo, naibalik naman na sa normal ang suplay ng kuryente sa mga nasalantang lalawigan.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Biliran, eastern samar, eastern visayas, flashfloods, globe telecom, Tacloban City, Biliran, eastern samar, eastern visayas, flashfloods, globe telecom, Tacloban City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.