Ilang pasahero, nagsimula nang bumiyahe pauwi ng probinsya para sa paggunita ng Pasko

File Photo | PCG

Libu-libong mga pasahero na ang bumiyahe pauwi sa mga lalawigan para doon gunitain ang Pasko.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng kanilang “Oplan Biyaheng Ayos”, madaling araw ng December 19, 2017, umabot sa 40,909 na mga pasahero ang bumiyahe pauwi sa mga lalawigan.

Pinakaraming naitala na bumiyaheng pasahero ay patungo sa Southern Tagalog na umabot na sa mahigit 10,000.

Mahigit 7,000 namang pasahero ang naitala sa Western Visayas.

Marami na ring bumiyahe sa Central, Western, Easter at Southern Visayas.

Gayundin sa Southwestern, Southeastern at Northern Mindanao.

Mahigit 1,000 pasahero naman ang naitala nang bumiyahe sa Bicol Region.

Patuloy naman ang paalala ng PCG sa mga pasaherong bibiyahe na iwasan na ang pagdadala ng mga bawal na kagamitan para hindi na maabala.

Mapapatuloy ang “Oplan Biyaheng Ayos” ng Coast Guard hanggang sa January 8, 2018.

 

 

 

 

 

 

Read more...