Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa bagyong Urduja, unti-unti nang nabawasan
Dahil papalayo na ang Tropical Cyclone Urduja, unti-unti nang nabawasan ang bilang mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG) tanging sa mga pantalan sa Palawan na lamang nakapagtala ng mga stranded na pasahero.
Aabot na lang sa 118 na mga pasahero ang nananatiling stranded sa Port of Roxas at Port of Cuyo.
Maliban sa mga pasahero, mayroon ding 5 barko at 8 motor banca na stranded.
Patuloy naman ang paalala ng PAGASA na bagaman inalis na ang signal number 1 sa Palawan ay mananatiling delikado ang pagbiyahe sa karagatan sa western seaboard ng naturang lalawigan dahil sa Northeast Monsoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.