Nakataas na public storm warning signal dahil sa bagyong Urduja, inalis na ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2017 - 06:07 AM

Napanatili ng bagyong Urduja ang lakas nito habang papalapit sa western boundary ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 240 kilometers West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 18 kilometers bawat oras sa direksyong West Southwest.

Dahil papalayo na, inalis na ng PAGASA ang signal number 1 na nakataas sa Palawan.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo sa pagitan ng umaga at tanghali ngayong araw.

Samantala, ang Low Pressure Area naman na binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR ay huling namataan sa 1,395 kilometers East ng Mindanao.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: low pressure area, Pagasa, Palawan, Radyo Inquirer, Tropical Cyclone Urduja, Weather in Philippines, low pressure area, Pagasa, Palawan, Radyo Inquirer, Tropical Cyclone Urduja, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.