Mas mahabang gabi kumpara sa araw, magsisimula na

 

Inquirer file photo

Mas magiging mahaba na ang mga gabi kumpara sa araw simula September 24, Huwebes.

Ayon sa PAGASA, bukas September 23, magaganap ang tinatawag na ‘autumnal equinox’ kung saan pantay ang haba ng araw at gabi.

Pagkatapos nito, magsisimula nang humaba ang mga gabi kung ikukumpara sa araw.

Ang ‘equinox’ ay karaniwang naghuhudyat ng pagpapalit o pagbabago ng panahon.

Ang mas mahahabang gabi ay karaniwang iniuugnay ng mga Pilipino sa pagsapit ng panahon ng Kapaskuhan.

 

Read more...