DOJ, hihilingin ang tulong ng CCCH hinggil sa Mamasapano incident

By Ricky Brozas September 22, 2015 - 03:53 PM

 

Inquirer file photo

Nais ng Department of Justice na humiling ng tulong mula sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH para maiparating ang mga subpeona sa 26 na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na sinampahan ng reklamo dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa 44 na miyembro ng Special Action Force o SAF ng PNP.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ang una nilang magiging hakbang ay alamin kung nasaan ang 26 na MILF members.

Sa 26 na inireklamong MILF, 13 dito ay mga battalion at field commander ng 105th at 118th base command ng Moro Islamic Liberation Front.

Bukod sa 26 na miyembro ng MILF, kasama din sa inireklamo kaugnay ng Mamasapano incident ang 12 BIFF members at 52 kasapi ng Private Armed Groups o PAGs.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.